【 Mahalagang Paalala sa Pagbabakuna Laban sa Novel Corona Virus 】
【 Mahalagang Paalala sa Pagbabakuna Laban sa Novel Corona Virus 】
Kumuha ng reserbasyon sa pamamagitan ng “Online” sa Toyonaka International Center (ATOMS)
( ETRE TOYONAKA bldg. 6F sa harap ng Hankyu Toyonaka Station) (Isa sa mga lugar para sa ”Shuudan Sesshu”
(pang-maramihang pagbaBAKUNA). (Mayroong website page para sa reserbasyon sa iba’t ibang wika.
Ang website page na ito ay para sa mga DAYUHAN (Filipino) lamang.
Kung ikaw ay isang Filipino at nangangailangan ng suporta saiyong sariling Wika sa oras ng pagpapaBAKUNA , magpareserba sa pamamagitan ng website ng Toyonaka International Center (ATOMS).
※ Wala pong Reserbasyon sa pamamagitan ng Telepono sa Association for Toyonaka Multicultural Symbiosis (ATOMS).
Tatanggaping reserbasyon ay sa pamamagitan ng online lamang.
※ May mga taga pagsalin sa mga wikang: English, Chinese, Korean, Vietnamese, Filipino, Nepali, Thai, Indonesian, Spanish
※Mga katanungan sa iba’t ibang wika na may kinalaman sa reserbasyon sa online makipag-ugnayan lamang sa Toyonaka International Center(ATOMS).
Telepono: 06-6843-4343 (Huwebes, Biyernes, Sabado 11:00 - 16:00
* Maliban kapag Holiday (walang pasok))
Sa ika 24 ng Hunyo alas dose(12) ng tanghali magsisimula ang pagtanggap ng "WEB YOYAKU"(reserbasyon sa pamamagitan ng WEB)
◎Tungkol sa mga dapat dalhin sa araw ng pag papaBAKUNA
- Mga bagay na dadalhin: kupon at pagkakakilanlan mga dokumento gaya ng (Lisensiya sa pagmamaneho, health insurance card at iba pa)
●Mangyaring kunin ang temperatura ng iyong katawan sa bahay bago ang pagpapabakuna at huwag tumanggap ng bakuna at makipag-ugnayan sa opisina o institusyong medical kung saan ka kumuha ng reserbasyon kung ikaw ay may lagnat o hindi maganda ang pakiramdam.
●Mangyaring magsuot ng damit na madaling mailabas ang iyong mga balikat.
●Upang makuha ang buong epekto ng bakuna, kinakailangang tapusin ang dalawang dosis ng parehong uri ng bakuna sa isang itinakdang agwat. Matapos matanggap ang unang dosis,mangyaring kumpirmahin kung kailan matatanggap ang kasunod / pangalawang dosis sa pag papaBAKUNA
●Ang mga nakapaloon na kupon ay apara sa dalawang inoculation certificates o vaccination certificates. Dalhin ang porma na ito sa bawat oras, at mangyaring huwag putulin ang mga ito.
◎Ang pagbabakuna maliban sa lugar kung saan nakarehistro ang “residence card” (lugar ng paninirahan) ????
- Kung ikaw ay tatanggap ng bakuna sa institusyong medical o pasilidad kung saan ka na-ospital o na-admit-( Mangyaring komunsulta sa institusyong medical o pasilidad).
- Kung ikaw ay tatanggap ng bakuna sa institusyong medical kung saan ka ginagamot para sa kronikong sakit-(Mangyaring komunsulta sa institusyong medical).
- Kung ang iyong kasalukuyang tinitirhan ay naiiba sa iyong nakatalang lugar na tinitirhan- (Maaari kang tumanggap ng bakuna sa lugar kung saan ka aktuwal nananinirahan).
- Mangyaring tignan ang Corona Virus Navigation o makipag-ugnayan sa consultation office ng munisipalidad kung saan ka kasalukuyang aktuwal na naninirahan
◎Ang may mga”KISO Shikkan” kronikong sakit na maaaring sakupin nito (batay sa impormasyon noong ika 21 ng Mayo , 2021)
(1). Mga taong may mga sumusunod na sakit o kundisyon na tumatanggap ng outpatient o inpatient na pangangalaga
1. Kronikong sakit sa baga
2. Kronikong sakit sa puso (kabilang ang hypertension)
3. Kronikong sakit sa bato
4. Kronikong sakit sa atay (liver cirrhosis, atbp.)
5. Diabetes na ginagamot gamit ang insulin o gamot, o diabetes na may kaugnayan sa iba pang mga sakit
6. Sakit sa dugo (maliban sa iron deficiency anemia)
7. Mga sakit na pumipinsala sa paggana ng immune system (kabilang ang mga malignant tumors na ginagamot)
8. Tumatanggap ng paggamot na nagpapahina ng immune system, kabilang ang mga steroids
9. Neurological at neuromuscular na mga sakit na nauugnay sa abnormalidad ng immune system
10. Bawas na paggana ng katawan dulot ng neurological o neuromuscular na mga sakit (kabilang ang mga diperensiya sa paghinga)
11. Abnormalidad sa chromosome
12. Malubhang mental at pisikal na kapansanan (malubhang pisikal na kapansanan at malubhang intelektwal na kapansanan)
13. Sleep apnea syndrome
14. Malubhang sakit sa pag-iisip (na-ospital para sa pagpapagamot ng sakit sa pag-iisip, pagkakaroon ng sertipiko sa kapansanan sa pag-iisip o nahuhulog sa ilalim ng “malubha at tuloy-tuloy” na kategorya sa pagsuporta sa self-supporting medical care (psychiatric hospital care)) o kapansanan sa intelektwal (pagkakaroon ng sertipiko sa rehabilitasyon)
15.Mga napakataba na mga indibidwal na nakatugon sa pamantayan (BMI na 30 o higit pa)
《Konsultasyon para sa iba’t ibang wika》
●(Ministry of Health, Labour and Welfare) Novel Corona Virus Vaccines Call Center
(telepono) 0120-761770
-Para sa mga wikang Japanese, English, Chinese, Korean, Portuguese at Spanish, pwedeng tumawag mula alas nuwebe (9) ng umaga hanggang alas nuwebe(9) ng gabi.
-Para sa wikang Thai mula alas (9) ng umaga hanggang alas sais (6) ng hapon.
-Para sa wikang Vietnamese mula alas diyes(10) ng umaga hanggang alas siyete (7) ng gabi
●Para naman sa (TOYONAKA SHI) pwede tayong tumawag sa Toyonaka Vaccine Dial (telepono)06-6151-2511.
-Mga wikang dapat tawagan: Japanese at English mula (Lunes hanggang Biyernes ) sa ganap na alas nuwebe (9) ng umaga hanggang alas sais (6) ng hapon.
Mga tagubilin para sa bakuna sa coronavirus