公益財団法人とよなか国際交流協会

【Humihingi ng inyong malugod na kooperasyon sa pag sagot ng “Talatanungan”(Talaan ng mga Katanungan)! ! ! Sa layuning mas maging kaaya aya / matiwasay na pamumuhay ng mga Dayuhan sa Siyudad ng Toyonaka 】

Ang Siyudad ng Toyonaka at ang Association for Toyonaka Multicultural Symbiosis (ATOMS) ay mag sasagawa ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng “Talaan ng mga Katanungan” upang alamin kung paano nakaapekto ang pagkalat ng Covid 19 sa pamumuhay ng mga dayuhan .


Ang mga katanungan ay ukol o may kinalaman sa pagbabago ng katayuan sa trabaho o pamumuhay ng mga dayuhan na sanhi ng Covid19.Kung may mga napagtatanungan, kung saan nakakakuha ng mga kaalaman ukol sa mga mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa pang araw araw na pamumuhay at iba pa.


Ang inyong mga kasagutan ay lubos na makakatulong sa pagsasagawa ng mga bagay bagay ng Siyudad ng Toyonaka upang mas mapaunlad / mas mapatiwasay ang pamumuhay ng mga dayuhan. Lubos na humihingi ng inyong kooperasyon sa pag sagot ng “Talaan ng mga Katanungan” na inyong natanggap.


● “Talatanungan”(Talaan ng mga Katanungan) 

・Ang sobre / sulat ay inyong matatanggap sa ika 24 ng Hulyo (tulad ng nasa larawan). Ito ay hindi ipinadala sa lahat ng mga naninirahang dayuhan , ang mga makakatanggap ng mga ito ay mga napili o iilan lamang (mga 2800 Katao)

・Sa mga nakatanggap na ng “Talaan ng mga Katanungan”, magawa po lamang na pakisagutan hanggang ika 16 ng Agosto. Ang giya sa pag sagot sa mga ito ay napapaloob sa sulat na natanggap

・Ang Talaan ng Katanungan ay isasagawa sa Anim (6 ) na Wika( Ingles, Chinese, Korean, Vietnamese, Nepali at Simpleng Japanese

・Kung may mga karagdagang katanungan magawa po lamang na tumawag at makipag ugnayan sa Association for Toyonaka Multicultural Symbiosis (ATOMS)


Association for Toyonaka Multicultural Symbiosis (ATOMS)

Toyonaka City Tamae Cho 1-1-1 

「ETRE Toyonaka」 6th Floor

TEL:06-6843-4343

E-mail:atoms@a.zaq.jp